Monday, May 16, 2011

Corny 1

To the girl
with that smiley eyes
and that infectious smile.

Wo ai ni.

Not a bit.
A lot.

Saturday, May 07, 2011

Roller Coaster

Hindi ako mahusay mag-handle ng roller coaster na emosyon.

Hindi pa pwede na kung masaya ay masaya na lang muna?
Ipagliban muna ung malungkot na mga bagay?
.
.
Sino ba kausap ko?
.
.
Wala.
.
.
Parang wala naman.
.
.
.
Wo ai ni.

Friday, May 06, 2011

Emo. Yak. 1

habang naglalaro ng plants vs. zombies, napapaisip at napapatigil. naiisip kita. tayo. napatigil sa paglalaro. clicked muna. nabalik sa naiisip ko kanina. tungkol sa iyo. sa atin. ganito talaga ako minsan. bigla na lang nagseseryoso mag-isip. afterall, hindi naman tayo naglalaro lang sa relasyon natin, siguro wala naman masama.magseryoso ako paminsan-minsan.

pag nagkita tayo, at nagkasama, kakayin ko kaya na malayo ka ulit? pag nahawakan ko na ang kamay mo, mabibitawan ko pa kaya? pag sa wakas ay mayakap na kita, makakaya ko kaya na pakawalan ka pa? nakikita ko na, mas magiging mahirap ang lahat sa pag-alis mo ulit.

hindi naman kita pipigilan kung aalis ka ulit. may pangarap ka para sa sarili mo, at para sa pamilya mo. ganun din naman ako. alam ko hindi mo rin ako pipigilan na makamit ung mga bagay na gusto ko makuha para sa sarili ko, sa pamilya ko, at para sau.

mas mabuti kaya na... uhmmm... magpakasal na tayo bago ka umalis ulit? alam ko napag-usapan na natin nang maraming beses dati pa kung ano ung plano. kaso, ewan ko ba. parang ang hirap ng mapalayo ka ulit sa akin na hindi pa tayo nakatali sa isa't-isa. hindi naman sa pagiging mahina, sabihin na lang natin na nagsisiguro lang.

pero gaya ng nasabi ko na dati pa, hindi kita pipilitin kung ayaw mo pa. sa totoo lang, hindi pa rin ako handa financially, hindi pa kita mabibigyan ng pang-fairy tale na trying of the knot. pero ewan, un ung gusto ko... sana.

ano ba problema ko at bigla ko naisip ung mga ganitong bagay? dive in, head first, whatever happens happens.

haaay, sige na nga. itutulog ko na lang ito. gudnyt. mahal kita. ung totoo at seryoso na mahal kita. ingat ka palagi dyan.

exit game
alt f4
shutdown computer

i love you ulit.

Wednesday, May 04, 2011

Boy Meets Girl

My worry now though, is would I be able to let you go when we see each other?
Would I be dare allow to have you travel far away again?
.
.
.
Or is it easier if you would just stay, and we'll be happy, happier.
.
.
.
Or, fine.
If you really have to go, maybe we can think of getting "tied" before you leave?

Thursday, April 28, 2011

Para kay Lazy Daisy

masaya ako
kasi alam ko na masaya ka.
masaya ako
kasi alam ko na (kahit paano) napapasaya kita.
(sana alam mo na)
masaya ako
kasi napapasaya mo ako.

masaya ako.
one month na tayo.

wo ai ni.

Thursday, March 31, 2011

Happy Rd.

Nope, didn't expect it to come.
Everything's so surprising, happens so fast, but who's complaining?
I want you to know that I'm happy.
It's the kind of feeling that, "Oh, this is so good, this is so right."

Yes, this is gonna be tough.
Yes, this is gonna be hard.
But yes, we're going to make it work.
You can count me on that.

But, yes, I don't think about those tough and hard times now.
All I want is to savor this happiness.

Wo ai ni.

Monday, November 22, 2010

Emo.

I wanted to cry.
Again.
Dunno.
I let these things happen.
Now, I suffer.

Hey blog.
I have so much to say.
I just dont know how to put them in words.
I just feel sad right now.

I feel alone.

Saturday, June 12, 2010

Hey Blog

Hey Blog.
Missed you for years now.
Minsan, naiingit ako sa 'yo.
Ang dami na nangyari sa buhay.
May nawala.
May dumating.
May iniiwasan.
May gustong makita.
...at gustong makasama.
Pero hindi pa pwede ngaun.

Pero ikaw, nandyan pa rin.
Hindi mo ako iniwan, kahit matagal kita nakalimutan.
Guess I'll see you more often from now.

Friday, October 24, 2008

Wednesday, March 19, 2008

chalamats

sa mga nagtext,
tumawag,
nag-comment o testi sa friendster,
nag- email
at personal na bumati sa akin,
maraming salamat sa pag-alala.

sa mga nakalimot at hindi nakaalala,
wag kayo mag-alala,
hindi ko pa rin kayo kalilimutan.

ang wish ko...
ang wish ko,
sabi ko nga kay dom,
ay...

world peace.

at sana..
sana lang talaga...
hindi na gloria ang presidente ng pilipinas.

Sunday, January 27, 2008

seven blunders of the world

1. Wealth without work

2.
Pleasure without conscience

3. Knowledge without character

4.
Commerce without morality

5.
Science without humanity

6.
Worship without sacrifice

7.
Politics without principle

—Mahatma Gandhi

Tuesday, January 22, 2008

tingin sa malayo

titingin ka sa malayo
makikita mo sya
nakaupo
malungkot
mag-isa
.
.
.
pero
wala ka magawa
.
.
.
kasi
.
.
.
ang kaya mo lang gawin
.
.
.
ay tumingin mula sa malayo

Friday, May 11, 2007

my senatoriables

eto na.
eleksyon na.
eto ang mga iboboto ko sa pagka-senador.
sorted out base sa gusto ko manalo

mga super iboboto para sa akin:
1. chiz escudero
2. joker arroyo
3. alan peter cayetano
4. kiko pangilinan
5. loren legarda
6. noynoy aquino
7. martin bautista
8. manny villar

kelangan ba talaga kumpletuhin?
9. ping lacson
10. sonia roco
11. koko pimentel

wala na ako maipilit.
12.

mga hindi ko binalak na iboto kahit kailan:
1. chavit
2. tito
3. oreta
4. honasan

Tuesday, February 13, 2007

Kissing Sin

Kissing Sin

1.
hayaan mong hagkan kita ngayong gabi.
muli nating tikman ang bawat paglalapat
ng ating hininga
habang ang ating mga mata
ay abala sa pagyakap sa isa't- isa.
ang bawat indayog ng ating bawat anasan
ay luwalhating dadaloy sa bawat pag-iisa
ng ating mga kaba.

2.
mahal ko,
angkinin natin ang gabing ito,
dahil bukas,
bukas ay ngingiting may luha ang araw
kasabay ang pangakong
ang nakaraang gabi ay ang huling pinakamatamis
para sa ating dalawa

3.
dahil gaya ng dapat
ay babalik ka na sa kanya
at ako
sa aking muling pag-iisa.

Monday, November 13, 2006

Looo-in

may kumuha, o nagnakaw, o nagtago, o nagtrip sa libro ko.
dalawang librong bob ong.
yung "aba" tapos yung "bakit baligtad."
kung sino man ang kumuha, nagnakaw, nagtago, o nagtrip....
utang na loob...
wag makapal ang mukha!
wag na magpalusot.
ibalik mo na sa akin.
pati ba naman ako?

pag hindi mo binalik...
sinusumpa ko na...
teka...
yun...
sinusumpa ko na hindi ka magkaanak
pag may asawa ka na.

ikaw rin.
malakas ang karma

Wednesday, August 30, 2006

on getting kamote

what's happening to me?
i was a conceited smart ass
when it's english
before.
now
i'm looking with the idea
that my work as a tsr
is slowly transforming me
into a halfly- paranoid monkey
who could score
rookie mistakes after rookie mistakes
in a brief paragraph construction.
oh my!
when i say rookie mistakes,
i mean it.
get a nerve to see below:

________________
This is one of the e-mails taht doesn't came in on our Cerberus. It is dated August 19, 2006. They might think that we had done this already since it's now August 24. Let's make some action the soonest time possible.
The request is to set up an entry on the DNS. We are taught how to have it set up, however, I do not know as to what IP it should be pointed. Kindly see below.
________________

my students must be shameful upon knowing this one.
hope you guys can spare this one for me.

starting this day
i won't be speaking in filipino again
to sharpen my english.
i won't speak filipino again.

hindi na talaga.
oo nga. pramis!

Tuesday, August 22, 2006

senti muna 2

isa lang ito>

natatakot ako.
madali ako masawa.
natatakot ako
na masawa.
at ikaw,
maging bahagi na lang
ng nakaraan.

_______
DISCLAIMER: hindi ako gumawa nito. estudyante ko dati. tinext lang sa akin. in-edit ko lang para medyo mas madrama.

Saturday, July 08, 2006

senti muna.

1>
tinanong mo ako
kung anong gusto kong regalo
sa aking kaarawan.
sabi ko 'yung nakakaiyak.
biniro pa nga kita
basta 'wag sibuyas.

hindi nga sibuyas
ang regalo mo sa akin,
pero pinaiyak mo naman ako.
grabe.
kakaiba ka talaga.
ikaw lang
ang nakakagawa sa akin ng ganun.

2>
sa tagal kong hinintay
na dumating ka,
halos hindi ko na
naramdaman ang naramdaman
ko nang nagpipilit kang makabalik sa akin.

sana noon ka pa nagbalik.
hindi ngayon na nagpaalam na sa akin
ang mga maganda mong alaala
na ayaw kong iwanan dati.

3>
buti pa 'yung 222,
isang text lang,
reply agad.

ikaw.
ikaw nga dahilan kung bakit ako naka-unli.
pero wala pa rin.

sana lang ay hindi naalis
ang reply mode
sa iyong cellphone.
hanggang sa matuto ka mag-reply.

Wednesday, June 07, 2006

para sa kanila

para sa kanila na pinatutungkulan nito. kung hindi ka naapektuhan pagkatapos mo itong basahin, malamang ay hindi ikaw ang isa sa mga tinutukoy ko.
nyet.
pasukan na.
hindi naman ako dapat masyadong apektado kasi
hindi na naman ako titser
at lalong hindi na naman ako estudyante.
pero, basta.
malamang ay gusto ko lang naman makasama ulit
'yung mga bata na nakasama ko dati.

hindi naman ako senti.
dumating lang siguro 'yung pagkakataon na
nanghihinayang ko sa mga panahong
dapat sana ay makasama ko pa sila nang matagal.
sayang.

sayang, mas marami pa naman sana akong
kwento para sa kanila.
mas nakakatuwa sana 'yung mga joke ko ngayon.
mas maraming bagay na gustong ibigay.
mas maraming inis, galit, at pait pa sanang mararanasan
sa pagitan ng bawat mga pagbati, ngiti, tawa, at halakhak na sana
ay aming pagsasaluhan.
kaso,
hindi na pwede.
kung pwede man,
hindi na katulad ng dati.

ironic.
dati kasi, kokonting tao lang 'yung gusto kong pasalamatan.
'yun lang mga taong nagparamdam na naa- appreciate
'yung mga bagay na mula sa aking para sa kanila.
ngayon.
ngayon ko lang mararamdaman na mas marami pala sila
kesa sa mga iniisip ko.

ngayon, kahit medyo huli na...
SALAMAT.
(maaaring) hindi man ako ang naging pinakamalapit sa kanila,
masaya na akong kahit paano ay nagkaroon akong pagkakataong
maging bahagi ninyo at
kayo sa akin.

sa inyo.
salamat.
sana ay magkasama-sama ulit tayo
sa mga darating na panahon.
at pagdating ng panahon na 'yun,
sisiguraduhin kong isa 'yun sa mga bagay
na iingatin natin sa ating mga puso.
(kung mapapansin n'yo ay corny 'yung iba pang lines. patawad.
hindi ko kasi kaya na sabihin ito ng personal.)

mayabang lang naman ako 'pag kaharap n'yo.
pero sa totoo lang, kagaya n'yo, umiiwas lang ako ng mga madramang eksena.

hanggang sa muli.

____________________________
naisip ko lang,
wala naman siguro masama kung iisa-isahin ko ang mga gusto kong pasalamatan.
pero parang masyadong mahaba na ito.
sa susunod na lang.

Saturday, May 06, 2006

callcenter(boy)ing

hindi ko na yata alam gumising ng maaga
kasi umaga na ako nakakatulog.
hindi na rin ako nakakapanood ng jewel at ng smackdown at ng pba.
gabi kasi pasok ko.
at dahil tanghali (o mas tamang hapon) na ako nagigising
kahit si julia at bossing hindi ko na naaabutan.

malaki talaga ang pagkakaiba ng pagiging sir
at pagiging "call(center)boy"
pero ok lang.
at least dito, ngayon, masaya.
pwede friendster.
youtube.
wwe.
gofish.
pinoypoets.
blog.
blog.
oo, sa wakas, pwede blog.
pwede mo sabihin yung gusto mong sabihin.
walang kokontra.
walang eentra.
walang paranoid.
(teka, hindi tungkol dun ang blog ko ngayon. sa susunod pa yun. ABANGAN.haha!)

so far, masaya naman.
state of adjustment pero i think i could fit in.
i should. i have to.
buti na lang, walang nagpapahirap ng buhay ko dito.
i've got a supportive team.
encouraging tl,
na kahit palpak ako sa call simulations ay "it's a good call" pa rin.
it helps a lot. really.
salamat. salamat talaga.

salamat sa mga sumusunod: (note: ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ay depende sa mga katabi ko nang isulat ko ito)
team tarush (ito na ba pangalan natin?haha!)
paul (ikaw ulit)
rosette
tl john (team leader, hindi true love)
karen
cris
ate joy
trina
at sa tatlo (yata) pang darating.

hindi pa marami ang mga dapat ipagpasalamat
pero alam ko na malayo ang mararating natin.
________________________________
*** sa alaala ni mitz...
pwede makipagpunpal?

Wednesday, February 08, 2006

ganap

kapag tatanugnin mo ako

kung mahal ba kita

ang isasagot ko ay hindi

hindi naman talaga kasi

hindi naman naging kahit kailan.

kapag gusto mong malaman

kung sino ang iniisip ko kagabi

hindi ko sasabihing ikaw

kahit konting pahiwatig

wala kang makukuha sa akin.

kapag nanaisin mo

na makasabay ako mamayang uwian

hindi ako papayag

madali naman gumawa ng biglaang lakad

o magpanggap na marami akong ginagawa.

kung ite-text mo ako

kung ako ba'y kumain na o meron bang pagkain

magiging “oo” ang “hindi” at “meron” ang “wala”

gayunpaman, hindi ako sasagot

mas madali ang umiwas kaysa mapalapit sa iyo.

paano ba ang umiwas, ikaw.

madali lang, ako.

gumanap na walang nararamdaman

huwag magpahalatang nag-iisip

huwag hayaang magkasama kayo

at umarteng wala lang pakialam, ako pa rin.

paano kung hindi mo magawa, ikaw na naman.

maglunoy ka na lang muna.

saka mo na lang isipin

kung ano ang pakiramdam ng pagkalunod, ako ulit.

pinipilit kong humakbang palayo

pero ramdam ko ang bigat ng aking paa.

___________________
sa gitna ng mga ingay sa faculty room, eto ang resulta.

Monday, January 30, 2006

Kwentong Jeepney

Kasalanan ko naman talaga. Bumuo ako ng pantasya, at sa pantasya ay gumawa ako ng kastilyo, kung saan ako ang hari, at ikaw, kahit hindi ako nagpaalam, ang pinili kong gawing reyna. Kaya ngayon, kahit hindi mo alam, palagi kitang kasama sa tuwing napapadpad ako sa kastilyong iyon. Kaya nga madalas, gusto kong tangayin na lamang ao ng hangin at nang madugtungan ko roon ang pantasya habang umaasam na huwag nang magising pa. Baka kasi sa pagbalik ko sa reyalidad, matagpuan ko ang sarili ko na nag-iisa, mula sa masayang tagpo ng kanina, at ang tangi ang maabutan ay ang iyong pangitain na unti-unting lumalayo at bumabalik sa iyong pinagmulan. Ni hindi ko nga mahawakan ang iyong aparisyon, iyon pang pa kayang habulin ka at sunduin mula sa iyong pinanggalingan?

Forgive me, not because I had built this make-believe situation for us and i did not told you. Forgive me because you are conquering my system and I often times blame you for what is happening to me.
Ito na lang kasi ang dahilan ko para magalit sa iyo--- ang sisihin ka sa mga nangyayari sa akin, kahit alam ko naman na hindi dapat.

Ang kinatatakutan ko kasi ngayon ay ang mapalapit ka sa akin, masanay ako na nasa tabi kita, at mabiyak ako kung mawala ka. Kung sabagay, hindi naman talaga kita dapat sisihin, hindi ko kasi masabing, “Lumayo ka,” kasi unang unang-una, hindi ka naman lumalapit sa akin. Ako lang naman kasi talaga ang nagpipilit na umisip na magkakatotoo ang tagpong “nakaupo tayo, ikaw at ako, sa dalampasigan habang pinapanood natin ang marahang pagsikat ng araw.”

Pagtawanan mo ako. Magalit ka sa akin at huwag mo na akong kausapin. Matatanggap ko naman. Mas gusto ko pa nga iyon. Mas madali kong magagawa ang paglayo, kaysa naman lunurin ko ang aking sarili sa 'di-makatotohang pantasya at malaman ko na nag-iisa na lang pala ako. Malungkot. Walang kasama. Ayokong mangyari sa akin iyon, pero parang wala akong magawa. Mahina kasi ako. Alipin ng sarili kong karuwagan, ng paraiso na minsan ay nagiging multo na ako rin ang gumawa--- upang tumakot sa akin.

Nakakatawa. Luma na kasi ang istorya natin, pantasyang langit at lupa. Ngayon, hinihintay ko na lamang ang hindi mapipigilan mong paglisan. Gasgas na nga ang ating kwento, pero matalim pa rin ang epekto.

Iwanan mo na ako! Mali. Paano mo nga pala ako iiwanan kung hindi mo naman ako nakasama? Baluktot gaya ng, “Lumayo ka,” pero hindi ka naman lumalapit. Hindi tama tulad ng, “Talikuran mo na ang lahat sa atin,” pero wala naman tayo. Wala naman talaga tayo. Wala naman kasi ako. Ikaw, ilusyon ko lamang. Naiiintindihan mo ba?

Kasalanan ko naman talaga. Bumuo ako ng pantasya, at sa pantasya ay gumawa ako ng kastilyo, kung saan ako ang hari, at ikaw, kahit hindi ako nagpaalam, ang pinili kong gawing reyna. Ngayon, bilanggo ako ng pantasya at hindi ko na alam ang daan palabas.

Duwag ako. Kaya nga hindi mo pa rin alam ang tungkol sa kwentong nilulubid ko na ngayon ay naglulubog sa akin. Ngayon, hinihintay ko na lamang ang mawala ka ng tuluyan nang gumuho na ang kastilyong mag-isa kong nilikha at nang sa gayon ay bumalik na ang ulirat ko sa tunay na daloy ng buhay.

Paalam. Wala ka na. Wala na ako. Wala na. Wala.
____________________
*Jeepney Tale kasi sa jeep ko ginawa.
Para sa bulaklak na tumubo sa India. Nagkaroon ng maikling paglalakbay sa Hagonoy at ngayon ay hindi ko na nakikita.

Friday, December 02, 2005

Blogging

salamat sa now user- friendly blogger. com. nakakapagpost na ako ng pictures.
go team philippines.
go out gloria!

Tuesday, October 11, 2005

more than 500 questions.
almost eight hours of gruelling examinations.
huge effort.
months of waiting.
finally, it's out!
thank God, we made it!

CONGRATULATIONS sa lahat ng mga kaklase ko na nakapasa.
gayundin sa mga kakilala, at ilang kaibigan.
sobra.
labis-labis ang tuwa ng mabasa natin ang ating mga pangalan sa mga pahina ng manila bulletin.
maaring ang sa atin ay isa lamang sa mahigit 30,000 pangalan na nandoon, pero mahigit pa sa 30,000 libong ulit na saya ang hatid nito.

sa mga sumusunod, congrats!
galing natin.

1. mark anthony lazaro (ako yun)
2. paul anthony mendoza
3. marlon santos
4. marry ann grace antonio
5. darwin marcelo
6. vanessa paula fumera
7. dervin nicodemus
8. lady san pedro
9. cristina domingo
10. christian charles centeno
11. jo-ann perez
12. khristine german
13. herbert perez
14. meliluz castro
15. roselyn gonzales
16. alpha sampana
17. angeline chiqui luis
18. lorelin bautista
19. jessica buendia
20. karen ann ramirez
21. maricar cruz
22. april enriquez (ex-gf naman ni dawo)
23. eliza de guzman (gf ni paul)
24. lourdes salvador
25. kim angeles
26. tin (close kami kaya tin lang tawag ko sa kanya. hehe.)

sa mga iba na hindi nabanggit, sensya na.
nadala lang ng sobrang saya kaya hindi na masyado na-research kung sino-sino ang mga nakapasa.

salamat sa lahat ng prayers.
sa lahat ng suporta.
syempre, salamat kay bullet.
salamat sa lagi mong pagtitiwala sa amin.

iba ito!
yes na yes!

YAHOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!

PASADO KAMI!!!!!!!!!!!!!!!
BWAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!

Friday, October 07, 2005

Haaay. Haay.

galing ako sa trabaho.

pauwi na ako.
maraming tao sa bahay.
nagkakaingay.
kinabahan ako.
nakita ko sina sina papa.
kausap yung kapatid niya.
nag-iinuman.
nasa sulok si mama.
nanonood ng all for love.
kasama nya yung mga kapatid ko.
nanonood din ng all for love.
(buti na lang, hindi patay yung inabutan ko)

"mano nga po."

malungkot si papa.
hindi ko pa sya nakikita na ganun kalungkot.
mas malungkot pa sya kesa nung nalaman nya na buntis ang ate ko at ayaw kilalanin ng nakabuntis sa kanya.

"bakit ang aga nyo naman umuwi?"

nyo kasi silang dalawa ni mama magkasama sa pagluwas sa pampanga at dapat linggo pa ang uwi nila. lunes pa lang nun.

"bakasyon muna, bata."

tawag nya sa akin yun mula ng mag-aral ako ng college.
bakasyon. ibig sabihin wala na sya trabaho.
maaaring pinaalis. umalis. napaalis.
pero malamang yung umalis.
hindi naman kasi kawatan na trabahador si papa.
hanga nga sa kanya yung mga katrabaho nya.
kasi marami dun (sa pampanga), mga magnanakaw.
si papa, hindi. maliban lang sa mga isdang pang-ulam na pinapauwi nya sa amin, wala na akong alam na kinurakot nya.

hindi ko naman maitanong kung bakit.
hindi ko kasi nakasanayan na magtanong sa kanya.
ang inutupag ko na lang ay ang paghuhubad ng sapatos habang nag-iisip kung paano na kami ngayon.

tapos na ako magpalit ng damit pambahay.

wala nang trabaho si papa.
hindi pa rin ako tapos mag-isip.
wala nang trabaho si papa.
walang trabaho yung ate ko.
wala trabaho yung kapatid kong sumunod sa akin.
wala rin yung sumunod sa kanya.
ang may trabaho lang, yung bunso kong kapatid.
kaso sa jollibee lang yun.
pito kami sa pamilya (bale walo pati yung anak ng ate ko) pero dalawa lang yung may kayod.
yung isa jollibee crew, yung isa, ako, teacher.
paano na kami ngayon?

eh yung may trabaho nga si papa, hindi kami makabayad sa mga utang.
paano pa kaya ngayon?
wala pa naman salary increase kasi bago pa lang ako (at wala naman talaga).

tiningnan ko uli si papa.
malaki ang itinanda nya kumpara nang huli ko syang pinagmasdan.
mababasa mo ang lungkot at pag-aalala sa mukha nya.
wala na kasi sya trabaho.
isipin ko pa lang na maghahanap uli sya ng panibagong kayod nabibiyak na ang puso ko.
matanda na kasi sya para sa ganoong bagay.
pag-graduate ko pa naman, akala ko maayos na ang lahat.
hindi na kami kukulangin sa pera at makakakain na kami ng masasarap na pagkain.
pero parang mas naghihirap pa kami habang mas nagpapakahirap kami sa trabaho.
mabigat yun lalo pa at may dumating pa kaming mga kamag-anak sa bahay
at balak pa yata na sa amin manirahan habang walang trabaho.
at pagkatapos makahanap ng trabaho ay mangungutang sa amin at babalik na lang uli kapag wala na uli silang pinagkakakitaan.

paano na ito?
kapos na nga, mas nasasaid pa.
pagod na, naghihilahod pa.
gumagapang sa hirap.

nakakasawa yung ganito.
parang walang katapusan.
walang nangyayaring maganda.
nakakaubos ng dahilan para ngumiti.

enter: madonna-- "where do we go from here?"

Monday, August 22, 2005

Haay. Haay. Haay.

it's always hard to do things you really dislike to do

but you have to because that might save one thing
but killing the another.

(sigh)

just when you thought things are running smoothly,
rough stories and a bit history comes and spoil the day.

(sigh)

ok.
i may have remissed on one aspect
but it doesn't follow that i fall short in everything.
although it was not said,
i just felt that somebody must make move and put things into order.

enter bullet's line.
"mas kailangan ka nila kaysa sa mas kailangan mo sila."
so here i'm.
giving up one story.
trying to save something.
but lagrely wounding zeal and momentum.

it was not meant for that.
_____________________________________________________________________
after one week, buburahin ko na yun.
as promised.
so read while it's still here.

baka matagalan pa bago uli makapag-post.
magpapagaling muna ng sugat.
i'm not bitter.
sad lang.
promise.

Tuesday, August 16, 2005

LET it be!

LET na!!!

paano mangamote sa prof. ed. segment ng LET?
simpleng-simple.
wag magreview.
wag alalahanin ang -ism -ism.
wag intindihin ang theory theory.
wag kumain ng husto bago mag-exam
at nang sa gayon ay gutumin ka
at sakitan ng ulo
sa gitna ng pagsusulit.
grabe iyon.
draining.
pero tsika na yung majorship.
ayoko lang yung part na "from what novel/poem/story can you find the chorva lines?"
hindi ko kinaya yun.
_____________________________________________________________________
ito ang kasaysayan ng isang buong araw kong pagbubuno ng LET na yun.
(enter: music na pang tiya dely.)
(note: yung last two words, may fading effect.)

hanggang sa huling sandali, huli na naman akong dumating sa tipanan naming magkakaibigan.
pero konti lang naman.
quarter to 4 yung usapan.
4:15 na ako dumating (at proud pa ako nun.hehe)
mahirap kasi gumising ng alas-tres.
kung bakit ba kasi sa adamson pa yun eh sa bulacan pa kami galing.
byahe pa lang pagudpod na kami.
buti na lang mabilis ang byahe kaya hindi rin kami na-late.
naku.
costume pa lang pamatay na!
ang suot ko ay nagpapanggap na white polo na pinilit kong kinunsidera na unat na naplantsa.
take note.
TUCKED IN!
hindi ko syempre carry yun.
si lon carry yun.
si pablo, mukha daw amerikanong naka-backbag at may nameplate na nakakabit malapit sa dibdib.
(update lang: si dawo nga pala ay may hawig na ngayon kay pabolus sir humanities namin.)

8:00 daw start ng exam.
8:15 na wala pa yung test booklets.
start kami syempre late na PERO
hindi extended "time to finish."

tsika lang naman yung umpisa.
kakwentuhan ko pa nga yung isa kong seatmate (pwede pala yun, sabi nila hindi).
math na.
kasabay ng pag-init ng mga tanong ay ang pagkulo ng aking sikmura.
kung bakit ba naman kasi hindi ako na-boe kaninang umaga.
butil-butil ang pawis na tumutulo sa akin, gayunpaman, nagpapasalamat ako at hindi butil-butil na boe ang lumabas.
kakahiya yun pag nagkataon.
pero may technique pala dun.
fart (quietly) a lot and it will be a bit unloaded.
wag lang masyado malakas ang paglabas ng mabahong hangin.
baka bumukol.hehe.
ayun.
nakatapos din ng exam na hindi mahahalatang may hiwagang nagaganap sa loob ng kwarto.

pag nag-e-exam, wag masyado padala sa disturbances.
kasi ba naman, ako, muntik na hindi nakatapos sa pamatay na prof.ed.
dahil ito sa init ng pwesto ko.
hindi inaabot ng electric fan.
at dahil din sa babae na nakaupo sa harap ko (upuan yun ha).
hindi naman nya ako ginugulo.
kaso lang, bakit ba sya nagsuot ng blouse na kapos sa tela at loose jeans?
at bakit din sya masyadong malikot sa upuan.
yan tuloy.
nakita na ang hindi dapat makita.
(enter: music ng hawak kop ang langit ni assunta da rossi)
maganda sya.
maputi at mukhang may kaya.
siguro, padala din yun ni taning.
o tukso, layuan mo ako....
(enter: eva eugenio)

natapos ang am tests.
chibugan na!
panahon din ng painaman at bidahan ng kanya-kanyang sagot.
nakalungkot na (parang) tagilid sa am tests.
pero hoping pa rin.

pm test.
majorship.
naku, ako na lang pala hinihintay ng proctor.
kakahiya.
pero carry pa rin kasi hindi naman sya nagagalit.
in fairness, mabait yung proctor namin.
at least, hindi na sya dumagdag sa tension at some sort of nervousness na bumabalot sa amin nang araw na yun.
150 lang questions.
answerable in 4 1/2 hours.
marami kaming oras.
hindi katulad nung umaga.
total of 400 brain cell drying questions at a span of (less than) 5 hours.
helloooooo!!!!
whatever happens to proper time allotment.
o sa ratio and proportion.
o sa consideration na lang.
anyway, (medyo) madali lang yung majorship.
kumbaga eh (medyo) tsikempid lang.
nakaraos naman sa gitna ng tukso na ayaw yata talaga ako patahimikin.
nauna ako nakatapos kaysa kay tukso.
tumambay muna ako (allowed pala yun) sa loob ng room at hinintay ko sya.
pagkatapos nya magsagot, tinawag ko sya.
kinausap.
mukha naman syang cool at nakakwentuhan ko na rin nung umaga.
"huy next time wag ka magsuot ng ganyan pag exam ha. hindi ako nakapag-concentrate kanina."
nakangiti ako syempre.
hehe. medyo nagblush sya, pero ngumiti rin pagkatapos.
sabi nya, "kaya pala."
hindi ko na-gets yun.
pero ginantihan ko na lang sya ng ngiti at tinanong ko ang pangalan nya.
ngeeek.
pareho kami ng surname.
sabi ko, "haynaku, hindi kaya strong candidate ito for incest?"
sa sarili ko na lang yun syempre.
baka sapakin ako nito pag sinabi ko yun sa kanya.

ayun. tapos na ang exam.
tapos na rin ang affair ko kay "insan."
pagkatapos ay nagkita-kita kami ng mga kachorva sa river of styx.
tapos, punta kami sandali sa sm manila.
tapos, dun namin hinintay yung sasakyan pauwi.
tapos, dumating yung sasakyan after several minutes.
tapos, umuwi na kami.
tapos, sa malolos, kumain kami sa chowking.
tapos nun, wala na.
tapos na.
uwian na.....

(enter: music uli na pang tiya dely)
(enter: lalaki, kaboses ko, sasabihin, "payuhan nyo po ako tiya dely.")

Tuesday, August 02, 2005

ano ba ang bago?
wala naman.
nagkasakit lang ako.
um-absent sa trabaho.
nabato sa bahay.
pumasok na ngayon.
kakausapin ng sister.
baka mapagalitan.
nagalit sa klase.
maingay kasi.
nagpagawa ng essay...
about death.
'yun lang kasi inisip ko nang may sakit ako.
kung paano ko gusto mamatay.
uso pa naman dengue ngayon...
kaya ako naman si paranoid.
kaya ayoko magkasakit eh.
kung ano-ano naiisip ko.
teka laang.
wala na ako maisip.
pasensya na.
may lagnat eh.
mamaya ulit.
kausapin ko lang ang lola mo.
prepare for thy doom...