Monday, January 30, 2006

Kwentong Jeepney

Kasalanan ko naman talaga. Bumuo ako ng pantasya, at sa pantasya ay gumawa ako ng kastilyo, kung saan ako ang hari, at ikaw, kahit hindi ako nagpaalam, ang pinili kong gawing reyna. Kaya ngayon, kahit hindi mo alam, palagi kitang kasama sa tuwing napapadpad ako sa kastilyong iyon. Kaya nga madalas, gusto kong tangayin na lamang ao ng hangin at nang madugtungan ko roon ang pantasya habang umaasam na huwag nang magising pa. Baka kasi sa pagbalik ko sa reyalidad, matagpuan ko ang sarili ko na nag-iisa, mula sa masayang tagpo ng kanina, at ang tangi ang maabutan ay ang iyong pangitain na unti-unting lumalayo at bumabalik sa iyong pinagmulan. Ni hindi ko nga mahawakan ang iyong aparisyon, iyon pang pa kayang habulin ka at sunduin mula sa iyong pinanggalingan?

Forgive me, not because I had built this make-believe situation for us and i did not told you. Forgive me because you are conquering my system and I often times blame you for what is happening to me.
Ito na lang kasi ang dahilan ko para magalit sa iyo--- ang sisihin ka sa mga nangyayari sa akin, kahit alam ko naman na hindi dapat.

Ang kinatatakutan ko kasi ngayon ay ang mapalapit ka sa akin, masanay ako na nasa tabi kita, at mabiyak ako kung mawala ka. Kung sabagay, hindi naman talaga kita dapat sisihin, hindi ko kasi masabing, “Lumayo ka,” kasi unang unang-una, hindi ka naman lumalapit sa akin. Ako lang naman kasi talaga ang nagpipilit na umisip na magkakatotoo ang tagpong “nakaupo tayo, ikaw at ako, sa dalampasigan habang pinapanood natin ang marahang pagsikat ng araw.”

Pagtawanan mo ako. Magalit ka sa akin at huwag mo na akong kausapin. Matatanggap ko naman. Mas gusto ko pa nga iyon. Mas madali kong magagawa ang paglayo, kaysa naman lunurin ko ang aking sarili sa 'di-makatotohang pantasya at malaman ko na nag-iisa na lang pala ako. Malungkot. Walang kasama. Ayokong mangyari sa akin iyon, pero parang wala akong magawa. Mahina kasi ako. Alipin ng sarili kong karuwagan, ng paraiso na minsan ay nagiging multo na ako rin ang gumawa--- upang tumakot sa akin.

Nakakatawa. Luma na kasi ang istorya natin, pantasyang langit at lupa. Ngayon, hinihintay ko na lamang ang hindi mapipigilan mong paglisan. Gasgas na nga ang ating kwento, pero matalim pa rin ang epekto.

Iwanan mo na ako! Mali. Paano mo nga pala ako iiwanan kung hindi mo naman ako nakasama? Baluktot gaya ng, “Lumayo ka,” pero hindi ka naman lumalapit. Hindi tama tulad ng, “Talikuran mo na ang lahat sa atin,” pero wala naman tayo. Wala naman talaga tayo. Wala naman kasi ako. Ikaw, ilusyon ko lamang. Naiiintindihan mo ba?

Kasalanan ko naman talaga. Bumuo ako ng pantasya, at sa pantasya ay gumawa ako ng kastilyo, kung saan ako ang hari, at ikaw, kahit hindi ako nagpaalam, ang pinili kong gawing reyna. Ngayon, bilanggo ako ng pantasya at hindi ko na alam ang daan palabas.

Duwag ako. Kaya nga hindi mo pa rin alam ang tungkol sa kwentong nilulubid ko na ngayon ay naglulubog sa akin. Ngayon, hinihintay ko na lamang ang mawala ka ng tuluyan nang gumuho na ang kastilyong mag-isa kong nilikha at nang sa gayon ay bumalik na ang ulirat ko sa tunay na daloy ng buhay.

Paalam. Wala ka na. Wala na ako. Wala na. Wala.
____________________
*Jeepney Tale kasi sa jeep ko ginawa.
Para sa bulaklak na tumubo sa India. Nagkaroon ng maikling paglalakbay sa Hagonoy at ngayon ay hindi ko na nakikita.

No comments: