Tuesday, August 16, 2005

LET it be!

LET na!!!

paano mangamote sa prof. ed. segment ng LET?
simpleng-simple.
wag magreview.
wag alalahanin ang -ism -ism.
wag intindihin ang theory theory.
wag kumain ng husto bago mag-exam
at nang sa gayon ay gutumin ka
at sakitan ng ulo
sa gitna ng pagsusulit.
grabe iyon.
draining.
pero tsika na yung majorship.
ayoko lang yung part na "from what novel/poem/story can you find the chorva lines?"
hindi ko kinaya yun.
_____________________________________________________________________
ito ang kasaysayan ng isang buong araw kong pagbubuno ng LET na yun.
(enter: music na pang tiya dely.)
(note: yung last two words, may fading effect.)

hanggang sa huling sandali, huli na naman akong dumating sa tipanan naming magkakaibigan.
pero konti lang naman.
quarter to 4 yung usapan.
4:15 na ako dumating (at proud pa ako nun.hehe)
mahirap kasi gumising ng alas-tres.
kung bakit ba kasi sa adamson pa yun eh sa bulacan pa kami galing.
byahe pa lang pagudpod na kami.
buti na lang mabilis ang byahe kaya hindi rin kami na-late.
naku.
costume pa lang pamatay na!
ang suot ko ay nagpapanggap na white polo na pinilit kong kinunsidera na unat na naplantsa.
take note.
TUCKED IN!
hindi ko syempre carry yun.
si lon carry yun.
si pablo, mukha daw amerikanong naka-backbag at may nameplate na nakakabit malapit sa dibdib.
(update lang: si dawo nga pala ay may hawig na ngayon kay pabolus sir humanities namin.)

8:00 daw start ng exam.
8:15 na wala pa yung test booklets.
start kami syempre late na PERO
hindi extended "time to finish."

tsika lang naman yung umpisa.
kakwentuhan ko pa nga yung isa kong seatmate (pwede pala yun, sabi nila hindi).
math na.
kasabay ng pag-init ng mga tanong ay ang pagkulo ng aking sikmura.
kung bakit ba naman kasi hindi ako na-boe kaninang umaga.
butil-butil ang pawis na tumutulo sa akin, gayunpaman, nagpapasalamat ako at hindi butil-butil na boe ang lumabas.
kakahiya yun pag nagkataon.
pero may technique pala dun.
fart (quietly) a lot and it will be a bit unloaded.
wag lang masyado malakas ang paglabas ng mabahong hangin.
baka bumukol.hehe.
ayun.
nakatapos din ng exam na hindi mahahalatang may hiwagang nagaganap sa loob ng kwarto.

pag nag-e-exam, wag masyado padala sa disturbances.
kasi ba naman, ako, muntik na hindi nakatapos sa pamatay na prof.ed.
dahil ito sa init ng pwesto ko.
hindi inaabot ng electric fan.
at dahil din sa babae na nakaupo sa harap ko (upuan yun ha).
hindi naman nya ako ginugulo.
kaso lang, bakit ba sya nagsuot ng blouse na kapos sa tela at loose jeans?
at bakit din sya masyadong malikot sa upuan.
yan tuloy.
nakita na ang hindi dapat makita.
(enter: music ng hawak kop ang langit ni assunta da rossi)
maganda sya.
maputi at mukhang may kaya.
siguro, padala din yun ni taning.
o tukso, layuan mo ako....
(enter: eva eugenio)

natapos ang am tests.
chibugan na!
panahon din ng painaman at bidahan ng kanya-kanyang sagot.
nakalungkot na (parang) tagilid sa am tests.
pero hoping pa rin.

pm test.
majorship.
naku, ako na lang pala hinihintay ng proctor.
kakahiya.
pero carry pa rin kasi hindi naman sya nagagalit.
in fairness, mabait yung proctor namin.
at least, hindi na sya dumagdag sa tension at some sort of nervousness na bumabalot sa amin nang araw na yun.
150 lang questions.
answerable in 4 1/2 hours.
marami kaming oras.
hindi katulad nung umaga.
total of 400 brain cell drying questions at a span of (less than) 5 hours.
helloooooo!!!!
whatever happens to proper time allotment.
o sa ratio and proportion.
o sa consideration na lang.
anyway, (medyo) madali lang yung majorship.
kumbaga eh (medyo) tsikempid lang.
nakaraos naman sa gitna ng tukso na ayaw yata talaga ako patahimikin.
nauna ako nakatapos kaysa kay tukso.
tumambay muna ako (allowed pala yun) sa loob ng room at hinintay ko sya.
pagkatapos nya magsagot, tinawag ko sya.
kinausap.
mukha naman syang cool at nakakwentuhan ko na rin nung umaga.
"huy next time wag ka magsuot ng ganyan pag exam ha. hindi ako nakapag-concentrate kanina."
nakangiti ako syempre.
hehe. medyo nagblush sya, pero ngumiti rin pagkatapos.
sabi nya, "kaya pala."
hindi ko na-gets yun.
pero ginantihan ko na lang sya ng ngiti at tinanong ko ang pangalan nya.
ngeeek.
pareho kami ng surname.
sabi ko, "haynaku, hindi kaya strong candidate ito for incest?"
sa sarili ko na lang yun syempre.
baka sapakin ako nito pag sinabi ko yun sa kanya.

ayun. tapos na ang exam.
tapos na rin ang affair ko kay "insan."
pagkatapos ay nagkita-kita kami ng mga kachorva sa river of styx.
tapos, punta kami sandali sa sm manila.
tapos, dun namin hinintay yung sasakyan pauwi.
tapos, dumating yung sasakyan after several minutes.
tapos, umuwi na kami.
tapos, sa malolos, kumain kami sa chowking.
tapos nun, wala na.
tapos na.
uwian na.....

(enter: music uli na pang tiya dely)
(enter: lalaki, kaboses ko, sasabihin, "payuhan nyo po ako tiya dely.")

No comments: