Wednesday, June 07, 2006
para sa kanila
para sa kanila na pinatutungkulan nito. kung hindi ka naapektuhan pagkatapos mo itong basahin, malamang ay hindi ikaw ang isa sa mga tinutukoy ko.
nyet.
pasukan na.
hindi naman ako dapat masyadong apektado kasi
hindi na naman ako titser
at lalong hindi na naman ako estudyante.
pero, basta.
malamang ay gusto ko lang naman makasama ulit
'yung mga bata na nakasama ko dati.
hindi naman ako senti.
dumating lang siguro 'yung pagkakataon na
nanghihinayang ko sa mga panahong
dapat sana ay makasama ko pa sila nang matagal.
sayang.
sayang, mas marami pa naman sana akong
kwento para sa kanila.
mas nakakatuwa sana 'yung mga joke ko ngayon.
mas maraming bagay na gustong ibigay.
mas maraming inis, galit, at pait pa sanang mararanasan
sa pagitan ng bawat mga pagbati, ngiti, tawa, at halakhak na sana
ay aming pagsasaluhan.
kaso,
hindi na pwede.
kung pwede man,
hindi na katulad ng dati.
ironic.
dati kasi, kokonting tao lang 'yung gusto kong pasalamatan.
'yun lang mga taong nagparamdam na naa- appreciate
'yung mga bagay na mula sa aking para sa kanila.
ngayon.
ngayon ko lang mararamdaman na mas marami pala sila
kesa sa mga iniisip ko.
ngayon, kahit medyo huli na...
SALAMAT.
(maaaring) hindi man ako ang naging pinakamalapit sa kanila,
masaya na akong kahit paano ay nagkaroon akong pagkakataong
maging bahagi ninyo at
kayo sa akin.
sa inyo.
salamat.
sana ay magkasama-sama ulit tayo
sa mga darating na panahon.
at pagdating ng panahon na 'yun,
sisiguraduhin kong isa 'yun sa mga bagay
na iingatin natin sa ating mga puso.
(kung mapapansin n'yo ay corny 'yung iba pang lines. patawad.
hindi ko kasi kaya na sabihin ito ng personal.)
mayabang lang naman ako 'pag kaharap n'yo.
pero sa totoo lang, kagaya n'yo, umiiwas lang ako ng mga madramang eksena.
hanggang sa muli.
____________________________
naisip ko lang,
wala naman siguro masama kung iisa-isahin ko ang mga gusto kong pasalamatan.
pero parang masyadong mahaba na ito.
sa susunod na lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

2 comments:
- keith said...
-
well..siguro ndi po ako isa s mga taong gus2 mong pasalamatan..but still, i'm really grateful na meron aqng "sir mark" na nakilala sa buhay q.. and alam u naman po kung gaano q kyo pinasasalamatan.. un.. i guess, nandun n po lahat ng gus2 qng sabihin..=)take care!
- Saturday, June 10, 2006 12:01:00 PM
- akosimark said...
-
....
kung meron man ako dapat pasalamatan,
syempre kasama ka dun.
ewan.
iba siguro yung buhay teacher ko
kung walang andrea keith.
hindi naman ako OA.
pero ganun talaga yun.
salamat sa pagbibigay ng oras
para basahin ang blog ko.
nakakaiyak naman. - Saturday, July 08, 2006 2:02:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
well..siguro ndi po ako isa s mga taong gus2 mong pasalamatan..but still, i'm really grateful na meron aqng "sir mark" na nakilala sa buhay q.. and alam u naman po kung gaano q kyo pinasasalamatan.. un.. i guess, nandun n po lahat ng gus2 qng sabihin..=)take care!
....
kung meron man ako dapat pasalamatan,
syempre kasama ka dun.
ewan.
iba siguro yung buhay teacher ko
kung walang andrea keith.
hindi naman ako OA.
pero ganun talaga yun.
salamat sa pagbibigay ng oras
para basahin ang blog ko.
nakakaiyak naman.
Post a Comment