Monday, November 13, 2006

Looo-in

may kumuha, o nagnakaw, o nagtago, o nagtrip sa libro ko.
dalawang librong bob ong.
yung "aba" tapos yung "bakit baligtad."
kung sino man ang kumuha, nagnakaw, nagtago, o nagtrip....
utang na loob...
wag makapal ang mukha!
wag na magpalusot.
ibalik mo na sa akin.
pati ba naman ako?

pag hindi mo binalik...
sinusumpa ko na...
teka...
yun...
sinusumpa ko na hindi ka magkaanak
pag may asawa ka na.

ikaw rin.
malakas ang karma

Wednesday, August 30, 2006

on getting kamote

what's happening to me?
i was a conceited smart ass
when it's english
before.
now
i'm looking with the idea
that my work as a tsr
is slowly transforming me
into a halfly- paranoid monkey
who could score
rookie mistakes after rookie mistakes
in a brief paragraph construction.
oh my!
when i say rookie mistakes,
i mean it.
get a nerve to see below:

________________
This is one of the e-mails taht doesn't came in on our Cerberus. It is dated August 19, 2006. They might think that we had done this already since it's now August 24. Let's make some action the soonest time possible.
The request is to set up an entry on the DNS. We are taught how to have it set up, however, I do not know as to what IP it should be pointed. Kindly see below.
________________

my students must be shameful upon knowing this one.
hope you guys can spare this one for me.

starting this day
i won't be speaking in filipino again
to sharpen my english.
i won't speak filipino again.

hindi na talaga.
oo nga. pramis!

Tuesday, August 22, 2006

senti muna 2

isa lang ito>

natatakot ako.
madali ako masawa.
natatakot ako
na masawa.
at ikaw,
maging bahagi na lang
ng nakaraan.

_______
DISCLAIMER: hindi ako gumawa nito. estudyante ko dati. tinext lang sa akin. in-edit ko lang para medyo mas madrama.

Saturday, July 08, 2006

senti muna.

1>
tinanong mo ako
kung anong gusto kong regalo
sa aking kaarawan.
sabi ko 'yung nakakaiyak.
biniro pa nga kita
basta 'wag sibuyas.

hindi nga sibuyas
ang regalo mo sa akin,
pero pinaiyak mo naman ako.
grabe.
kakaiba ka talaga.
ikaw lang
ang nakakagawa sa akin ng ganun.

2>
sa tagal kong hinintay
na dumating ka,
halos hindi ko na
naramdaman ang naramdaman
ko nang nagpipilit kang makabalik sa akin.

sana noon ka pa nagbalik.
hindi ngayon na nagpaalam na sa akin
ang mga maganda mong alaala
na ayaw kong iwanan dati.

3>
buti pa 'yung 222,
isang text lang,
reply agad.

ikaw.
ikaw nga dahilan kung bakit ako naka-unli.
pero wala pa rin.

sana lang ay hindi naalis
ang reply mode
sa iyong cellphone.
hanggang sa matuto ka mag-reply.

Wednesday, June 07, 2006

para sa kanila

para sa kanila na pinatutungkulan nito. kung hindi ka naapektuhan pagkatapos mo itong basahin, malamang ay hindi ikaw ang isa sa mga tinutukoy ko.
nyet.
pasukan na.
hindi naman ako dapat masyadong apektado kasi
hindi na naman ako titser
at lalong hindi na naman ako estudyante.
pero, basta.
malamang ay gusto ko lang naman makasama ulit
'yung mga bata na nakasama ko dati.

hindi naman ako senti.
dumating lang siguro 'yung pagkakataon na
nanghihinayang ko sa mga panahong
dapat sana ay makasama ko pa sila nang matagal.
sayang.

sayang, mas marami pa naman sana akong
kwento para sa kanila.
mas nakakatuwa sana 'yung mga joke ko ngayon.
mas maraming bagay na gustong ibigay.
mas maraming inis, galit, at pait pa sanang mararanasan
sa pagitan ng bawat mga pagbati, ngiti, tawa, at halakhak na sana
ay aming pagsasaluhan.
kaso,
hindi na pwede.
kung pwede man,
hindi na katulad ng dati.

ironic.
dati kasi, kokonting tao lang 'yung gusto kong pasalamatan.
'yun lang mga taong nagparamdam na naa- appreciate
'yung mga bagay na mula sa aking para sa kanila.
ngayon.
ngayon ko lang mararamdaman na mas marami pala sila
kesa sa mga iniisip ko.

ngayon, kahit medyo huli na...
SALAMAT.
(maaaring) hindi man ako ang naging pinakamalapit sa kanila,
masaya na akong kahit paano ay nagkaroon akong pagkakataong
maging bahagi ninyo at
kayo sa akin.

sa inyo.
salamat.
sana ay magkasama-sama ulit tayo
sa mga darating na panahon.
at pagdating ng panahon na 'yun,
sisiguraduhin kong isa 'yun sa mga bagay
na iingatin natin sa ating mga puso.
(kung mapapansin n'yo ay corny 'yung iba pang lines. patawad.
hindi ko kasi kaya na sabihin ito ng personal.)

mayabang lang naman ako 'pag kaharap n'yo.
pero sa totoo lang, kagaya n'yo, umiiwas lang ako ng mga madramang eksena.

hanggang sa muli.

____________________________
naisip ko lang,
wala naman siguro masama kung iisa-isahin ko ang mga gusto kong pasalamatan.
pero parang masyadong mahaba na ito.
sa susunod na lang.

Saturday, May 06, 2006

callcenter(boy)ing

hindi ko na yata alam gumising ng maaga
kasi umaga na ako nakakatulog.
hindi na rin ako nakakapanood ng jewel at ng smackdown at ng pba.
gabi kasi pasok ko.
at dahil tanghali (o mas tamang hapon) na ako nagigising
kahit si julia at bossing hindi ko na naaabutan.

malaki talaga ang pagkakaiba ng pagiging sir
at pagiging "call(center)boy"
pero ok lang.
at least dito, ngayon, masaya.
pwede friendster.
youtube.
wwe.
gofish.
pinoypoets.
blog.
blog.
oo, sa wakas, pwede blog.
pwede mo sabihin yung gusto mong sabihin.
walang kokontra.
walang eentra.
walang paranoid.
(teka, hindi tungkol dun ang blog ko ngayon. sa susunod pa yun. ABANGAN.haha!)

so far, masaya naman.
state of adjustment pero i think i could fit in.
i should. i have to.
buti na lang, walang nagpapahirap ng buhay ko dito.
i've got a supportive team.
encouraging tl,
na kahit palpak ako sa call simulations ay "it's a good call" pa rin.
it helps a lot. really.
salamat. salamat talaga.

salamat sa mga sumusunod: (note: ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ay depende sa mga katabi ko nang isulat ko ito)
team tarush (ito na ba pangalan natin?haha!)
paul (ikaw ulit)
rosette
tl john (team leader, hindi true love)
karen
cris
ate joy
trina
at sa tatlo (yata) pang darating.

hindi pa marami ang mga dapat ipagpasalamat
pero alam ko na malayo ang mararating natin.
________________________________
*** sa alaala ni mitz...
pwede makipagpunpal?

Wednesday, February 08, 2006

ganap

kapag tatanugnin mo ako

kung mahal ba kita

ang isasagot ko ay hindi

hindi naman talaga kasi

hindi naman naging kahit kailan.

kapag gusto mong malaman

kung sino ang iniisip ko kagabi

hindi ko sasabihing ikaw

kahit konting pahiwatig

wala kang makukuha sa akin.

kapag nanaisin mo

na makasabay ako mamayang uwian

hindi ako papayag

madali naman gumawa ng biglaang lakad

o magpanggap na marami akong ginagawa.

kung ite-text mo ako

kung ako ba'y kumain na o meron bang pagkain

magiging “oo” ang “hindi” at “meron” ang “wala”

gayunpaman, hindi ako sasagot

mas madali ang umiwas kaysa mapalapit sa iyo.

paano ba ang umiwas, ikaw.

madali lang, ako.

gumanap na walang nararamdaman

huwag magpahalatang nag-iisip

huwag hayaang magkasama kayo

at umarteng wala lang pakialam, ako pa rin.

paano kung hindi mo magawa, ikaw na naman.

maglunoy ka na lang muna.

saka mo na lang isipin

kung ano ang pakiramdam ng pagkalunod, ako ulit.

pinipilit kong humakbang palayo

pero ramdam ko ang bigat ng aking paa.

___________________
sa gitna ng mga ingay sa faculty room, eto ang resulta.

Monday, January 30, 2006

Kwentong Jeepney

Kasalanan ko naman talaga. Bumuo ako ng pantasya, at sa pantasya ay gumawa ako ng kastilyo, kung saan ako ang hari, at ikaw, kahit hindi ako nagpaalam, ang pinili kong gawing reyna. Kaya ngayon, kahit hindi mo alam, palagi kitang kasama sa tuwing napapadpad ako sa kastilyong iyon. Kaya nga madalas, gusto kong tangayin na lamang ao ng hangin at nang madugtungan ko roon ang pantasya habang umaasam na huwag nang magising pa. Baka kasi sa pagbalik ko sa reyalidad, matagpuan ko ang sarili ko na nag-iisa, mula sa masayang tagpo ng kanina, at ang tangi ang maabutan ay ang iyong pangitain na unti-unting lumalayo at bumabalik sa iyong pinagmulan. Ni hindi ko nga mahawakan ang iyong aparisyon, iyon pang pa kayang habulin ka at sunduin mula sa iyong pinanggalingan?

Forgive me, not because I had built this make-believe situation for us and i did not told you. Forgive me because you are conquering my system and I often times blame you for what is happening to me.
Ito na lang kasi ang dahilan ko para magalit sa iyo--- ang sisihin ka sa mga nangyayari sa akin, kahit alam ko naman na hindi dapat.

Ang kinatatakutan ko kasi ngayon ay ang mapalapit ka sa akin, masanay ako na nasa tabi kita, at mabiyak ako kung mawala ka. Kung sabagay, hindi naman talaga kita dapat sisihin, hindi ko kasi masabing, “Lumayo ka,” kasi unang unang-una, hindi ka naman lumalapit sa akin. Ako lang naman kasi talaga ang nagpipilit na umisip na magkakatotoo ang tagpong “nakaupo tayo, ikaw at ako, sa dalampasigan habang pinapanood natin ang marahang pagsikat ng araw.”

Pagtawanan mo ako. Magalit ka sa akin at huwag mo na akong kausapin. Matatanggap ko naman. Mas gusto ko pa nga iyon. Mas madali kong magagawa ang paglayo, kaysa naman lunurin ko ang aking sarili sa 'di-makatotohang pantasya at malaman ko na nag-iisa na lang pala ako. Malungkot. Walang kasama. Ayokong mangyari sa akin iyon, pero parang wala akong magawa. Mahina kasi ako. Alipin ng sarili kong karuwagan, ng paraiso na minsan ay nagiging multo na ako rin ang gumawa--- upang tumakot sa akin.

Nakakatawa. Luma na kasi ang istorya natin, pantasyang langit at lupa. Ngayon, hinihintay ko na lamang ang hindi mapipigilan mong paglisan. Gasgas na nga ang ating kwento, pero matalim pa rin ang epekto.

Iwanan mo na ako! Mali. Paano mo nga pala ako iiwanan kung hindi mo naman ako nakasama? Baluktot gaya ng, “Lumayo ka,” pero hindi ka naman lumalapit. Hindi tama tulad ng, “Talikuran mo na ang lahat sa atin,” pero wala naman tayo. Wala naman talaga tayo. Wala naman kasi ako. Ikaw, ilusyon ko lamang. Naiiintindihan mo ba?

Kasalanan ko naman talaga. Bumuo ako ng pantasya, at sa pantasya ay gumawa ako ng kastilyo, kung saan ako ang hari, at ikaw, kahit hindi ako nagpaalam, ang pinili kong gawing reyna. Ngayon, bilanggo ako ng pantasya at hindi ko na alam ang daan palabas.

Duwag ako. Kaya nga hindi mo pa rin alam ang tungkol sa kwentong nilulubid ko na ngayon ay naglulubog sa akin. Ngayon, hinihintay ko na lamang ang mawala ka ng tuluyan nang gumuho na ang kastilyong mag-isa kong nilikha at nang sa gayon ay bumalik na ang ulirat ko sa tunay na daloy ng buhay.

Paalam. Wala ka na. Wala na ako. Wala na. Wala.
____________________
*Jeepney Tale kasi sa jeep ko ginawa.
Para sa bulaklak na tumubo sa India. Nagkaroon ng maikling paglalakbay sa Hagonoy at ngayon ay hindi ko na nakikita.