Tuesday, October 11, 2005

more than 500 questions.
almost eight hours of gruelling examinations.
huge effort.
months of waiting.
finally, it's out!
thank God, we made it!

CONGRATULATIONS sa lahat ng mga kaklase ko na nakapasa.
gayundin sa mga kakilala, at ilang kaibigan.
sobra.
labis-labis ang tuwa ng mabasa natin ang ating mga pangalan sa mga pahina ng manila bulletin.
maaring ang sa atin ay isa lamang sa mahigit 30,000 pangalan na nandoon, pero mahigit pa sa 30,000 libong ulit na saya ang hatid nito.

sa mga sumusunod, congrats!
galing natin.

1. mark anthony lazaro (ako yun)
2. paul anthony mendoza
3. marlon santos
4. marry ann grace antonio
5. darwin marcelo
6. vanessa paula fumera
7. dervin nicodemus
8. lady san pedro
9. cristina domingo
10. christian charles centeno
11. jo-ann perez
12. khristine german
13. herbert perez
14. meliluz castro
15. roselyn gonzales
16. alpha sampana
17. angeline chiqui luis
18. lorelin bautista
19. jessica buendia
20. karen ann ramirez
21. maricar cruz
22. april enriquez (ex-gf naman ni dawo)
23. eliza de guzman (gf ni paul)
24. lourdes salvador
25. kim angeles
26. tin (close kami kaya tin lang tawag ko sa kanya. hehe.)

sa mga iba na hindi nabanggit, sensya na.
nadala lang ng sobrang saya kaya hindi na masyado na-research kung sino-sino ang mga nakapasa.

salamat sa lahat ng prayers.
sa lahat ng suporta.
syempre, salamat kay bullet.
salamat sa lagi mong pagtitiwala sa amin.

iba ito!
yes na yes!

YAHOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!

PASADO KAMI!!!!!!!!!!!!!!!
BWAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!!!!!

Friday, October 07, 2005

Haaay. Haay.

galing ako sa trabaho.

pauwi na ako.
maraming tao sa bahay.
nagkakaingay.
kinabahan ako.
nakita ko sina sina papa.
kausap yung kapatid niya.
nag-iinuman.
nasa sulok si mama.
nanonood ng all for love.
kasama nya yung mga kapatid ko.
nanonood din ng all for love.
(buti na lang, hindi patay yung inabutan ko)

"mano nga po."

malungkot si papa.
hindi ko pa sya nakikita na ganun kalungkot.
mas malungkot pa sya kesa nung nalaman nya na buntis ang ate ko at ayaw kilalanin ng nakabuntis sa kanya.

"bakit ang aga nyo naman umuwi?"

nyo kasi silang dalawa ni mama magkasama sa pagluwas sa pampanga at dapat linggo pa ang uwi nila. lunes pa lang nun.

"bakasyon muna, bata."

tawag nya sa akin yun mula ng mag-aral ako ng college.
bakasyon. ibig sabihin wala na sya trabaho.
maaaring pinaalis. umalis. napaalis.
pero malamang yung umalis.
hindi naman kasi kawatan na trabahador si papa.
hanga nga sa kanya yung mga katrabaho nya.
kasi marami dun (sa pampanga), mga magnanakaw.
si papa, hindi. maliban lang sa mga isdang pang-ulam na pinapauwi nya sa amin, wala na akong alam na kinurakot nya.

hindi ko naman maitanong kung bakit.
hindi ko kasi nakasanayan na magtanong sa kanya.
ang inutupag ko na lang ay ang paghuhubad ng sapatos habang nag-iisip kung paano na kami ngayon.

tapos na ako magpalit ng damit pambahay.

wala nang trabaho si papa.
hindi pa rin ako tapos mag-isip.
wala nang trabaho si papa.
walang trabaho yung ate ko.
wala trabaho yung kapatid kong sumunod sa akin.
wala rin yung sumunod sa kanya.
ang may trabaho lang, yung bunso kong kapatid.
kaso sa jollibee lang yun.
pito kami sa pamilya (bale walo pati yung anak ng ate ko) pero dalawa lang yung may kayod.
yung isa jollibee crew, yung isa, ako, teacher.
paano na kami ngayon?

eh yung may trabaho nga si papa, hindi kami makabayad sa mga utang.
paano pa kaya ngayon?
wala pa naman salary increase kasi bago pa lang ako (at wala naman talaga).

tiningnan ko uli si papa.
malaki ang itinanda nya kumpara nang huli ko syang pinagmasdan.
mababasa mo ang lungkot at pag-aalala sa mukha nya.
wala na kasi sya trabaho.
isipin ko pa lang na maghahanap uli sya ng panibagong kayod nabibiyak na ang puso ko.
matanda na kasi sya para sa ganoong bagay.
pag-graduate ko pa naman, akala ko maayos na ang lahat.
hindi na kami kukulangin sa pera at makakakain na kami ng masasarap na pagkain.
pero parang mas naghihirap pa kami habang mas nagpapakahirap kami sa trabaho.
mabigat yun lalo pa at may dumating pa kaming mga kamag-anak sa bahay
at balak pa yata na sa amin manirahan habang walang trabaho.
at pagkatapos makahanap ng trabaho ay mangungutang sa amin at babalik na lang uli kapag wala na uli silang pinagkakakitaan.

paano na ito?
kapos na nga, mas nasasaid pa.
pagod na, naghihilahod pa.
gumagapang sa hirap.

nakakasawa yung ganito.
parang walang katapusan.
walang nangyayaring maganda.
nakakaubos ng dahilan para ngumiti.

enter: madonna-- "where do we go from here?"